Abante Tonite Interactive

Talitha Sotto pinanggigigilan ng mga kapatid

Mukhang siopao, longganisa

By
Paulina at Baby Talitha
5,677

ANG anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna ang pinakasikat na baby sa buong clan ng Sotto ngayon. Mas sikat pa nga si Talitha sa kanyang superstar father na si Vic at sa host mom na si Pauleen, dahil halos lahat ay umaasam na sana ay makita siya at mayakap ng mga taong malalapit sa mag-asawa.

Kamakailan lang ay kinarga ni Danica ang kanyang bunsong ka­patid sa ama nu’ng dalawin niya ito sa bahay nina Pauleen.

Ngayon naman ay nakaposte sa Instagram wall ni Pauleen na karga-karga naman ito ng isa pa sa mga anak ni Vic sa ibang nanay na si Paulina. Masisilip sa larawan na yakap-yakap pa ni Paulina ang kapatid sa kanyang dibdib.

Happy ang mode ni Paulina sa eksenang ito lalo at sarap na sarap ang natutulog na sanggol sa kanyang ate. Nasa tabi ni Paulina ang kanilang daddy na si Vic.

Ang malusog na pangangatawan ni Talitha at ang namimintog nitong pisngi sa katabaan ang isa lang sa pinanggigilan ng marami sa kanya. Dagdag pang kamukhang-kamukha ito ni Pauleen mula ilong pati na rin ang bibig.

Hindi nga napigilan ng soon-to-be-mom na rin na si Isabelle Daza ang manggigil. Pinansin ni Isabelle ang mala-siopao sa laki na pisngi ni Talitha na talaga namang napaka-cute.

Aliw na aliw naman si Pauleen sa braso ng anak na parang sa longganisa kaya naman ang hashtag nito sa close up photo ng anak ay #longganisaarm.

BB Gandanghari  payat na payat na  sa US Taghirap, taggutom

ITINULOY na nga ni BB Gandanghari ang sinasabi niyang ‘kailangan niyang umaksyon’ sa kanyang pinapangarap na Hollywood career kung ayaw niyang mapag-iwanan, umuwi ng Pinas o maging poor sa Los Angeles.

Pinoste na ni BB ang sinasabi niyang ‘headshot’ na importanteng requirement para magkaroon ng agency na magma-market sa kanya sa ninanais niyang acting project. Walang make-up sa shots na ito si BB, na banat lang ang buhok at expose ang kanyang balikat.

Kung payat si BB noong nandito pa siya sa Pinas, mas payat pa siya ngayon. Halos alsado na ang mga buto ni BB sa balikat at triceps sa porma ng pagkapayat niya.

Sinasabi naman noon ni BB sa amin nung nandito pa siya sa Pinas na kailangang maging size 1 clothes na kinukonsiderang small sa ladies.

Kunsabagay, marami talagang Hollywood actress na kaparehas ng edad ni BB ang mas payat pa sa kanya. Ito raw ang ‘in’ sa Hollywood ngayon.