Abante Tonite Interactive

Tallo, Bacolod tiniris ang Imus

227

Mga laro ngayon: (Olivarez College-Paranaque)

4:00 p.m. – Basilan vs San Juan

6:30 p.m. – Davao Occidental vs GenSan

8:30 p.m. – Rizal vs Paranaque

Gigil na umarangkada si Mark Tallo ng 25 points, 5 rebounds, 4 assists at 2 steals upang bitbitin ang Bacolod Master Sardines na ibagsak ang Imus Bandera Miyerkoles, 68-59, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 Huwebes ng hapon sa Batangas City Coliseum.

Ang kinang ni ex-pro Tallo ang nagkaloob din sa kanya ng best player of the game para iangat din ang kanyang kampo sa pagsalo sa Biñan City Laguna sa Group B 10th spot sa 5-8 win-loss record, nakabawi rin mula sa 89-84 loss sa Rizal nitong Setyembre 3.

May twin digit ding ambag si Paolo Javellona na naka-12 markers at 6 rebounds habang si Justin Alano’y may 10 pts. at 8 rebounds na sumalya sa Imus sa ikatlong semplang at lugmok sa 3-9 sa pagkapako sa Group B 13th place.

“Unang-una sa lahat yung game plan lang naman namin is the usual, to be consistent defensively. ‘Yung offense namin is binibigyan lang kami ng green light to shoot,” wika ni Tallo. “Kapag binibigyan kami ng space titira talaga namin. ‘Yun ang sabi ni coach.”

Hikahos ang punyagi para sa Bandera ni ex-pro Jayjay Helterbrand na tumapos ng 13 pts., 7 rebs., 6 asts., at si Gerald Anderson na may 12 pts.

Ang iskor:

Bacolod 68 – Tallo 25, Javelona 12, Alano 10, Custodio 6, Dimas 6, Vasalio 4, Soriano 3, Danganan 2, Cauilan 0, Ortega 0, Colina 0, Canada 0, Medalla 0, Santos 0, Dionson 0.

Imus 59 – Helterbrand 13, Anderson 12, Ng Sang 9, Cantimbuhan 7, Vito 5, Lim 4, Nacpil 2, Caceres 2, Deles 2, Alonzo 2, Cunanan 1, Martinez 0, Dedicatoria 0, Ong 0, Gonzaga 0. (Aivan Denzel Episcope)