Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tallo, Bicol piniga Makati

0 136

Maagang nag-init si Mark ‘Mac’ Tallo upang pasabugin ng Bicol Volcanoes ang Makati FSD Blazers, 86-71, sa Chooks-to-Go 4th Maharlika Pilipinas Basketball League 2021 Invitational powered by TM elims Miyerkoles sa SM Mall of Asia Arena, Pasay.

Kasabwatan ni Tallo sina Zachary Huang, Ralph Tansingco at Mark Yee sa maagang ratsada para sa 13-0 abante ng Volcanoes at hindi na nilingon ang Blazers patungo sa pangalawang panalo at manatiling buhay sa next round ng Pool B.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tumabo si Tallo ng 21 points, 3 rebounds at 4 assists.

“Maganda ang start namin because my players follow our system. Kahit medyo nangangapa pa rin kami but nagagawa na namin ang system,” ani Bicol coach Aldin Ayo, na huling makakatuos ang Marikina sa Sabado. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.