Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Talo ang lahat

0 55

Nakakalungkot naman ang isyu kay 2020+1 Tokyo Olympian pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena at sa Philippine Athletics Track and Field Association.

Hinggil ito sa financial assistance para sa mga international campaign at training camp niya sa Formia, Italy at pasahod sa coach niyang si Vitaly Petrov ng Ukraine.

Gusot na nakarating na sa World Athletics kung saan senior vice president ang kababayan ni Petrov na si Sergey Bubka.

Gayundin sa International Olympic at Philippine Olympic Committee. Alam na rin ito ng buong mundo ng track and field dahil sa sumambulat na nitong weekend sa PH sports media.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinahayag naman Lunes ni Philippine Sports Commission Chairman William ‘Butch’ Ramirez na magre-referee lang ang tangapan niya sa tamang oras. Pero dalangin din niyang maayos ang gusot sa dalawang kampo.

Potensiyal si EJ sa medalya sa 33rd Summer Olympic Games 2024 sa Paris, France na nagbantang maagang magreretiro kung itutuloy ng Patafa ang hakbang na bawiin ang €85,000 (P4.8M) at imestigahan siya.

Kaya sa pananaw ng TP, walang mananalo rito. Lahat tayo talo.

Kaya sana maayos po ito alang-alang sa PH sports, lalo na sa track and field.

Leave A Reply

Your email address will not be published.