Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Talo sa suntukan: Dating colonel nangagat ng kaaway

0 139

Dahil hindi manalo sa suntukan ay mas mi­nabuti ng isang 70-an­yos na retiradong colonel na kagatin na lang ang kanyang nakaaway matapos nilang magtalo sa kalsada, Linggo, sa Brgy. Calapan, Distrito ng Arevalo sa Iloilo City.

Kinilala ang retiradong PNP Police Colonel na si Eduardo Bacolor habang ang nakaaway naman niya ay nakila­lang si Radney Sarmento, 35, parehong residente ng nasabing barangay.

Sa ulat ni Police Captain Chen Tañagras, station commander ng Arevalo Police Station, naganap ang insidente kamakalawa ng hapon matapos na magalit sa kalsada si Baco­lor dahil sa hindi makadaan ang sasakyan nito dahil sa mga nakahambalang pedicab at tricycle.

Pinagsisigawan umano niya ang mga drayber ng pedicab at tricycle kaya hindi nakatiis si Sarmiento, nilapitan ang retiradong pulis at hinatak ito sa damit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Itinulak naman ni Bacolor si Sarmiento kaya sinuntok ito ng huli dahilan ng pagkatumba ng nauna.

Dinaganan naman ni Sarmiento ang natumbang si Bacolor at doon ito nakakuha ng tiyempo upang kagatin ang daliri ng mas batang kaaway.

Naawat din naman kalaunan ang dalawa at dinala sa barangay. Kalaunan ay nagkasundo rin ang mga lalaki at nag-ayos. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.