Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Talo sa upakan, nanaksak na lang

0 106

Patay ang isang technician makaraang saksakin ng kanyang matagal ng kaalitan na tinalo nito sa upakan kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Dead on arrival sa Navotas City Hospital si Allan Baldres, 45, taga-No. 7 T. Gabriel Street, Barangay Sipac Almacen, Navotas dahil sa malalim na saksak sa dibdib mula sa nadakip ding suspek na si Leonardo Pineda, 55, construction worker, ng Barangay Sipac Almacen.

Sa imbestigasyon, alas-10:30 ng gabi, nag-krus ang landas ng dalawa sa Gabriel Street.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagtalo hanggang sa magbuntalan.

Nanaig sa sapakan ang biktima kaya sinaksak na lang ng icepick sa dibdib ng kagalit.

Papatakas na sana si Pineda pero nakorner siya ng mga barangay tanod at nakuha ang armas sa pagpatay. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.