Abante Tonite Interactive

Talunan nagpa-party

354

Kahit talunan sa nagdaang halalan, hindi naman ito ginawang dahilan para magmukmok ang bigong kandidato.

Nagpa-party kasi ang talunang kandidato sa kanyang mga campaign staff bago sila magkawatak-watak matapos ang halalan.

Gusto kasi ng kandidato na maging masaya ang kanyang mga staff kahit na hindi ito pinalad sa kanyang inambisyong puwesto.

Ang positibong pananaw ng kandidato ay taliwas sa ginawi ng nagwaging kandidato kung saan sa kanilang victory party ay puros hinagpis ang narinig nito sa kanyang mga supporter.

Clue: Ang talunang kandidato na nagpa-party pa ay masaya ngayon sa kanyang pamilya at may letrang M sa kanyang pangalan as in Maraming datung.