Abante Tonite Interactive

Talunang politiko luhaan sa petisyon

By
956

Mukhang napaaga ang selebrasyon ng isang talunang politiko sa Metro Manila.

Akala niya ay uusad na ang kanyang petisyon kaya naman agad itong nagbunyi dahil sa wakas ay mapapalayas na raw niya sa puwesto ang kanilang opisyal.

Nagpa-blow out na nga raw ang kumag sa kanyang mga kaibigan dahil sa wakas ay napatumba na niya ang higanteng politiko sa kanilang siyudad.

Pero sa nasagap na info ng TONITE, mukhang hindi pa raw magkaka­bisa ang petisyon ng politiko dahil kulang pa sa pirma bago ito ipairal.

Eh paano ba naman kasi, dalawang commissioner ang nag-retire sa Commission on Elections (Comelec) kaya hindi makumpleto ang pirma sa petisyon ng politiko.

Kaya hindi nakapagtataka na baka itong mga sumunod na araw ay magka-videoke na lang ang politiko at kantahin ang ‘Luha’ ng bandang Aegis.

Ang talunang politiko ay may kamag-anak na sangkot sa pagmimina at may letrang R sa kanyang pangalan as in Recall.