Abante Tonite Interactive

Talunang politiko naglalaway sa puwesto

By
581

Ibang klase din kung mangarap itong isang politiko sa bansa dahil hindi pa man nananalo sa halalan, ipinapakabit na sa kanya ang p­osisyon na inaasam nito.
Napag-alaman ng Tonite na inimbitahan daw upang maging speaker sa isang pagtitipon ng mga professional itong politiko.

Itong staff naman ng politiko, aba’y gustong magpalapad ng papel nang utusan ang emcee na iintrodyus ang kanyang amo bilang isa sa pinakamataas na opisyal ng gobyerno.

Hindi naman daw pumalag ang politiko sa pag-introduce sa kanya, aba’y abot-tenga pa raw ang ngiti kahit na biro lamang ito sa kanya.

Abante Hiring – IT dep

Ang classic nito, isang tambay na lang ­nga­yon ang politiko matapos na matalo sa hinahangad na puwesto sa nakaraang halalan.

Clue: Ang politiko na ipinakilala sa puwes­tong hindi naman sa kanya ay umaapaw ang yaman. May letrang M sa kanyang pangalan as in Marco Polo.