Abante Tonite Interactive

Tama ang diction: Kris naaliw sa impersonator

0 770

Sa true lang, ang diva that you love, aliw na aliw sa pagtatagpo ng Digital Empress Kris Aquino at ang kanyang latest impersonator na si Chino Liu.

Hindi niyo puwedeng i-the WHO si Chino, huh. Siya lang naman ang diwatang nag-viral bilang Krissy Alchino na ang emote sa una, bilang ang nag-iisang Kristine Bernadette, eh ito ang boses sa isang navigation app.

Mas lalong nakilala si Liu, na hindi ako sigurado kung may blood relation kay Lucy Liu, ang Asian American actress, sa viral video niya kung saan muli niyang ginaya si Aquino habang kinakapanayam ito at biglang lumindol.

Wish pala ni Krissy na makadaupang palad ang nag-iisang Kris at sa kanilang paghaharap, sabi nga ni Chino, para lang silang “nananalamin” sa isa’t isa.

Naka-canary yellow blouse si Liu paired with black pants at ballerina flats. Sa true lang muli, very President Corazon Aquino ang choice of blouse niya. Hindi pang ninang sa kasal pero nanay na nanay ang audience impact.

Si Kris naman, naka-very New Yorker black dress. May pag-amin ito na hindi maganda ang kanyang pakiramdam pero hataw para rin sa chikahan.

Ang kanilang tete-a-tete, kay gaan panoorin. Fan meets an idol talaga. Dream come true para kay Liu. Walang nagsuplada. Mas lalong walang nagmasungit. Hindi rin nagmaganda ang kahit na sino. Walang traces na may nagmalditahan. Open at cordial sila pareho.

Kitang-kita rin how a good conversationalist is Kris, spontaneous ang tanungan at alam mong may tunay siyang interest at sinserong makilala ang kanyang impersonator. You know talaga na interviewing people ay expertise niya.

Ang mga big reveal sa kanilang chikahan, si Liu pala ay kaedad ni Joshua, ang panganay ni Kris. Ang reaksyon niya rito: “Puwede pala kitang maging anak, kalurks!”

Walang love life ang Liu. Graduate sa isang Catholic school somewhere in Intramuros. May dalawang elder sisters at “generous” ito sa mommy dearest.

Dalawang bagay lang ang pinuna ni Kris kay Krissy, na when she goes out for dinner, or magluluto o may food tasting, hindi siya nagsusuot ng super red lipstick dahil sa “smear factor, dapat neutral lang ang color, may kulay pero hindi ‘yung OA na kulay.” Dapat rin raw, bumili na si Krissy ng bagong wig dahil mahaba na ang buhok.

Ang why the Original super likes this impersonator? Ang pahayag ni Kris, “Kasi alam mong inaaral mo ako, and I like you because you have the correct diction, It annoys me ‘pag mali ang diction.”

O, hindi ba? Masayang pre-holiday tagpuan ang nangyari sa nag-iisang Kris Aquino at ang kanyang anointed one na Krissy Alchino. Malamang with Aquino’s stamp of approval, mas marami ang magiging mga project ni Chino Liu.

Julia kinabog ni Hipon

Pareho kong hindi pinanood ang “MMK” guesting ni Julia Barretto at ni Herlene Budol, ang “Wowowin” discovery na mas popular sa tawag na ‘Hipon Girl’ na bida sa “Magpakailanman”.

Kaya kung sa AGB Nutam, ay panalo sa ratings ang Hipon Girl episode, look na lang ang diva that you love sa sky at saka ako hihikab.

Sa Kantar Media daw, halos dikit ang digits ng dalawang programa kung saan ang Barretto led drama anthology ang umungos by a very slim margin, mas bongga pang ayusin ko ang kilay ko kasi nga “Kilay is life.” Hahahaha!

Sa true lang tayong muli, kung ang isang the WHO no more na si Herlene lang pala ang mangagabog sa isang tulad ni Barretto, isa lang ang ibig sabihin nito, bordering na si Julia sa pagiging the WHO, huh! ‘Yun na!

Hamonado acting ni Joseph babu na

Sa true lang, tiyak mabubura na ang kanyang nakalipas na ‘di na dapat balikan, ang maituring na “hamonado”. Si Joseph Marco can kiss the branding at perception goodbye at good riddance. Hindi na siya belong sa mga “bano” at walang pag-asa sa acting department. Level-up na talaga ang bruho, huh!

Bakit kaniyo? Aba, istariray na si Marco. Isa lang naman siya sa “star” sa HBO Asia series na “The Bridge”.

Ang post nga ni Joseph sa IG: “Where did life take me today? It’s my first day of shooting here in Kuala Lumpur. Feels very surreal doing my first ever acting stint abroad! It’s such an overwhelming experience to be able to work with international production and I really am grateful for it!”

Ang “The Bridge” ay may sampung episode at tungkol sa “international police agencies cooperating, following the discovery of a body apparently cut in half and placed precisely on the border between two countries.”

Kung dati sa musical theater lang tayo namamayagpag, ngayon pati na rin sa mga palabas sa telebisyon na ipinapalabas sa maraming mga bansa, may pananalig sa talentong Filipino.