Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tamad na mayor, kapitan sa COVID war walisin – Duterte

0 96

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na bantayang mabuti ang mga mayor at kapitan ng barangay na tatamad-tamad sa kanilang tungkulin kaugnay ng pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemya.

Binigyang-diin ng Pangulo na mahalaga ang ginagampanang trabaho ng mga pamahalaang lokal para mapigilan ang paglaganap ng pandemya sa kanilang mga nasasakupan, pangunahin aniya dito ang mga mayor at barangay captain.

“Actually, government has the perfect setup. You have the president, then you have the governors, then you have the city mayors, municipal mayors, then the different barangays,” wika ng Pangulo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Alam mo, ang pinaka-ano diyan is the mayor and the barangay captains. So make it an obligation for them to really strictly follow also the whatever direction that we take in this fight against COVID,” aniya pa.

Kaya dapat lang aniyang pukpukin ang mga mayor at kapitan ng barangay para walang magtamad-tamaran.

Kapag mabagal aniyang kumilos ang isang mayor o kapitan ay makabubuting palitan na lang ng kasunod nila sa puwesto na puwedeng gampanan ang kanilang trabaho.

“We do not remove them from office. You just step aside and assign the — the next persons who can do it, including the mayors,” dagdag ng Pangulo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.