Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tamad na singer-actor may bagong show

0 148

May bagong oportunidad na dumating sa buhay ng isang male personality na pinanghihinayangan ng marami dahil sa kanyang unprofessionalism. Sayang na sayang siya dahil bukod sa magaling na siyang singer ay mahusay rin siyang umarte.

Sayang dahil napag-iwanan na siya ng kanyang mga kasabayang artista, sabi nga ng iba ay tumatanda siyang paurong, dahil walang nangyayari sa kanyang career.

Kuwento ng aming source, “Ang palagi niyang dahilan, e, hindi raw siya nakakatulog sa gabi. So, ang ginagawa niya sa magdamag, e, ang makipag-date sa computer niya.

“Laro lang siya nang laro magdamag, kasi nga, e, hindi raw siya nakakatulog. Sa araw siya sleeping beauty, bumabawi siya ng tulog sa araw,” unang kuwento ng aming impormante.

Wala ngang mangyayari sa buhay ng male personality kung ganu’n ang nagaganap sa kanya sa araw-araw. Tatanggap siya ng kompromiso pero hindi naman siya dumarating.

“Nagsawa na nga sa kanya ang production, wala na siyang regular show, kasi nga, nagiging cause of delay siya. Umaga ang calltime niya, pero anong oras na siya dumarating?

“Nu’ng bandang huli nga, e, hindi na siya hinihintay ng production. Kung dumating siya, salamat, kung hindi naman, salamat din. Sino ba ang maaapektuhan sa katamaran niya at kawalan ng disiplina?

“Sino ba ang mawawalan, ang production ba? Kaya kung mapapansin ng televiewers, e, kokonti na lang ang participation niya sa gag show. Kung ano na lang ang maabutan niyang mga eksena, ‘yun na lang ang ginagawa niya!” dagdag na komento pa ng aming impormante.

Heto na. Kinuha ang male personality sa isang bagong show. Tinanggap niya ang alok. May trabaho siya ngayon. Pero ang tanong ng marami, hanggang kailan kaya siya mapapanood sa bagong programa, magtagal naman kaya siya?

“Problema na niya ‘yun kung magtatamad-tamaran na naman siya, kung idadahilan niya na naman na hindi siya makatulog nang magdamag, kaya kailangan niyang matulog sa maghapon!

“Give na lang siya nang give ng mga alibi, ng mga dahilan na wala namang kawawaan, good luck na lang sa bagong show na kumuha sa kanya!” pagtatapos ng aming source.

Alex ‘di na sabit kay Toni

Akala lang ni Alex Gonzaga ay walang atensiyon na ibinibigay sa kanya si Mommy Pinty dahil mas naunang nag-artista at naging popular ang kanyang Ate Toni.

Akala lang niya ‘yun. Kung alam lang ni Alex na kapag may kumukuha kay Toni sa show ay agad nang sasabihin ni Mommy Pinty, “Isama n’yo na rin si Alex, hindi natin pag-uusapan ang talent fee niya.”

Kapag may kumukuha kay Toni para sa commercial ay ganu’n din ang sasabihin ng kanyang mommy, isama na rin sana siya, para pareho silang may proyekto.

Nu’ng una ay parang bonus lang si Alex kapag kinukuha ang serbisyo ni Toni, pero nang magtagal-tagal na ay may sarili na ring career si Alex, may presyo na rin siya at hindi na kailangan pang maging sabit lang sa kanyang ate.

At nakikipaglaban si Mommy Pinty para sa kanya, stage mother nga ang dating ng kanyang mommy para sa ibang production staff, dahil sa mga reklamo nito.

Sasabihin ni Mommy Pinty, “Bakit habang nagda-dialogue si Catherine, e, naka-focus ang camera sa iba? Siya ang bida sa serye, di ba?

Maraming ginagawa si Mommy Pinty para sa kanya, akala lang ni Alex ay mas mahal at mas nakasentro ang kanyang ina kay Toni, kung alam lang niya ang lahat ng kuwento.

Pero napakalaking karagdagan para kay Alex ang kanyang pagba-vlog, umani siya ng tagumpay sa mundong pinasok niya, bukod sa dagdag-popularidad niya ‘yun ay milyones pa ang kanyang kinikita.

Leave A Reply

Your email address will not be published.