Abante Tonite Interactive

Tamang choice

455

Muli na namang napatunayan ang mataas na tiwala ng taumbayan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa survey ng Pulse Asia nitong Hunyo 24-30, nakakuha ang Pangulo ng 85% trust at approval ratings, o nangangahulugang walo mula sa sampung Pilipino ang nagtitiwala at naniniwala sa kakayahan nitong magpatakbo ng gobyerno.
Ang nasabing survey ng Pulse Asia ay ginawa para sa Performance Ratings ng matataas na mga opis­yal ng gobyerno.

Kaya sa mga kritiko ni Pangulong Duterte, sorry na lang dahil talagang matindi ang tiwala ng nakararaming Pinoy sa Pangulo.
Sa dami ba naman ng accomplishment ng Pangulo sa tingin niyo ba ay matitibag niyo ang liderato ng admi­nistrasyong Duterte?

***

Mukhang iisa ang pulso ng taumbayan at ni Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa pagpili ng iuupong pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ito ay base sa mga survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Marso 23-27 at Hunyo 24-30 ngayong taon.

Kung saan ay nakuha ng bet ni Pangulong Duterte na si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang kalahati ng boto sa kanilang mga poll, malayong-malayo sa iba pang matunog din na pangalan sa pagka-Speaker.

Sa survey noong Marso, 44 porsiyento ang bumoto para sa dating senador. Kasunod sa listahan sina dating Bise Presidente Jejomar Binay, 16 porsiyento; dating Speaker Pantaleon Alvarez, 12 porsiyento; Rep. Martin Romualdez, 5 porsiyento; at Rep. Lord Allan Velasco, 1 porsiyento.

Sa resulta ng survey ay mukhang hindi nagkamali si Pangulong Duterte sa kanyang choice dahil si Cayetano rin ang bet ng nakararaming Pinoy.

Alinsunod din sa survey ay angat ang dating DFA secretary sa larangan, kakayahan at karanasan.

Bet din si Cayetano ng mga sinurvey sa socio-economic class: 66 porsiyento sa Class ABC, 63 porsiyento sa Class D at 71 porsiyento sa Class E. Nanguna rin siya sa geographical areas: 56 porsiyento sa Metro Manila, 68 porsiyento sa Luzon, 64 porsiyento sa Visayas at 65 porsiyento sa Mindanao.

Ang masasabi natin sa resulta ng survey na ito ay mukhang iisa naman ang nagugustuhan ng sambayanang Pilipino kaya irespeto na lamang dapat ng nakararami.

Abangan na lamang natin ang kahihinatnan ng performance ng manok ng Pangulo at ng mga sinurvey.