Abante Tonite Interactive

Tamang duda kay misis, adik nagbigti

447

Sa duda na may kalaguyo ang kanyang misis, isang 40-anyos na lalaki na sinasabing lulong sa iligal na droga ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanilang barong-barong kahapon sa Paco, Maynila.

Wala ng buhay nang matagpuan si Ramil, ‘di tunay na pangalan, taga-Paco.

Sa imbestigasyon ni PEMS. Mario Asilo, ng Manila Police District – homicide section, alas-2:40 ng hapon nang madiskubreng nakabitin ang biktima sa loob ng kanilang bahay.

Sa impormasyong nakuha sa misis ng biktima, selos umano ang ugat ng pagbibigti ng biktima sa hinalang may kalaguyo ang kanyang misis.

Pumirma naman ng waiver ang asawa ng biktima na hindi na niya paiimbestigahan ang pagpapakamatay ng mister. (Juliet de Loza-Cudia)