Abante Tonite Interactive

Tamang pag-aalaga ng aso

By
7,466

Ikaw ba ay may alagang aso? Masarap mag-alaga ng aso. Ika nga nila ito’y ‘man’s bestfriend’. Ngunit natural sa aso lalo na ang tuta ang pagngatngat ng kung anu-ano.

Kapag tuta pa ito ay asahan na ang pagkasira ng ilang kagamitan dahil sila ay nagngingipin. Maging mahaba ang pasensya dahil makulit talaga ang aso/tuta.

Kahit irresistible ay pagalitan pa rin ito para matuto dahil sila naman ay nakakaintindi.

Masarap iyung pagkauwi mo galing sa eskwela o trabaho ay may sasalubong sa’yo na cute na cute na aso. Nakakatanggal sila ng pagod. Sabi nga ng iba, mas mahal ka ng aso mo kaysa sa sarili nila.

Kapag ikaw ay may problema, pwede mo silang kausapin at lambingin upang maibsan kahit papaano ang iyong problema. Kapag wala kang makausap at walang nagre-reply sa mga walang kwenta mong text o chat, kausapin mo na lang ang iyong alagang aso at tiyak ito’y makikinig sa’yo. Ang iyong tuta ay prone sa sakit lalo na kung wala pa itong isang taon. Kaya heto ang ilang tips para panatilihing malusog ang iyong aso.

1. Regular na grooming – Pagupitan ang inyong aso lalo na kung ito ay mabalahibo.

Pumunta sa clinic ng aso at ipa-groom ito isang beses sa isang buwan o kaya once every two months. Kadalasan kasi sa asong may mahahabang buhok ay natatakpan ang kanilang mata. Pagupitan upang hindi mairita at makakita nang maayos at para maiwasan ang ear infections.

2. Bilhan ng shampoo – Paliguan ito gamit ang shampoo na para sa aso at mas maganda kung ang shampoo na ito ay may anti-garapata.

3. Suklayan ang aso – Regular mo itong suklayin upang manatiling maganda ang buhok nito lalo na kung kulot. Para maiwasan din ang pagkakabuhol ng buhok.

4. Balanseng pagkain – Ang bawat aso ay may sariling dietary needs. Bigyan nang maayos at balanseng pagkain at bitamina ang iyong aso lalo na kung tuta pa lamang.

dog5. Sepilyuhin ang ngipin – Mahalaga ang regular na pagsepilyo sa aso para maiwasan ang dental disease. Kung wala namang sepilyo para sa aso ay bumili na lamang ng ‘dentastix’ para habang nginangatngat ito ng iyong aso ay nalilinis din nito ang kanyang ngipin.

6. Exercise – Bigyan ng tamang ehersisyo ang iyong aso. Pero kung dalawa naman sila sa inyong bahay ay kusa na silang nae-exercise dahil sa kanilang paghahabulan at paghaharutan.

7. Kumpletong injection – At ito ang pinakamahalaga sa lahat. Dalhin sa ‘vet’ ang iyong alaga upang malaman kung may problema ba ito sa kalusugan at sundin ang mga payo at kung kailan ka kailangan bumalik sa kanila para sa tamang pagbakuna.