Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tamang pagpapahayag ng saloobin

0 137

NAGPALABAS ng statement ang Malacañang para paalalahanan ang ilang kababayan nating nagsasagawa ng kilos protesta sa ilang pangunahing mga kalsada sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque iwasan munang magpahayag ng oposisyon sa pamamagitan ng mass protest dahil nananatili pinagbabawal pa rin ang malakihang pagtitipon-tipon para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease.

Sa ngayon ay hanggang 10 tao lang ang pagtitipon-tipon upang hindi kumalat ang virus na pilit na nilalabanan ng gobyerno.

Tiniyak din ni Roque na ang karapatan ng malayang pananalita ay garantiyado ng ating Saligang Batas pero panahon ngayon ng COVID-19 at kahit kalaban ng gobyerno ay pinangangalagaan ang kalusugan ng lahat.

Tama naman ang posisyon ng gobyerno sa ganitong pagkakataon lalo na’t kamakailan lamang ay dumagsa ang mga demonstrador kaugnay sa namatay na baby ng detenidong aktibistang si Reina Mae Nacino.

Nirerespeto natin ang saloobin ng ating mga kababayan lalo na ang mga may matinding disgusto sa gobyerno. Pero sana ay isipan pa rin ng ating mga kababayang nakikilahok sa mga protesta ang kanilang kalusugan, ang kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay na kanilang inuuwian pagkatapos ng pakikiisa sa mga protesta.

Ikunsidera sana natin ang pagpupursigeng ginagawa ng mga kinauukulan para malabanan ang pagkalat ng virus. Gawin naman natin ang ating parte para maging bahagi tayo sa paglipol sa COVID na hangggang ngayon ay hinahanapan pa ng lunas.

***

Kung may pagtutol tayo sa paglabas ng bahay para magpahayag ng saloobin hindi naman tayo sang-ayon sa pangingialam ng Malacanang sa mga showbiz personalities na kumukuwestyon sa pagtrato ng mga awtoridad kay Nasino at sa yumao nitong anak.

SM food to go Banner Ad

Nasa demokrasyang bansa tayo at karapatan nating magpahayag ng ating saloobin nang naayon sa batas.

Wala akong nakikitang masama sa pag-iingay ng ilang showbiz personalities gaya nina Liza Soberano, Agot Isidro , Anne Curtis, Leah Navarro at iba pa sa pamamagitan ng grupong Gabriela at kuwestiyunin ang naging trato ng gobyerno kay Nasino at baby nito.

Sana lang ay irespeto rin ng gobyerno ang saloobin ng publiko kung saan kabilang ang mga celebrity.

May kasalanan man o wala sa batas si Nasino, karapatan ng taumbayan kabilang ang mga celebrity na magpahayag ng suporta.

So sana magkaunawaan ang dalawang panig dahil napakarami nang problema ng bansa para pagdingasin pa ng mga isyung katulad nito.

***

Isa pang mainit na isyu bago matapos ang linggong ito ay ang pagkaladkad sa mga celebrity na sina Angel Locsin,Liza Soberano, Catriona Gray sa makakaliwang grupo.

Nauunawan natin ang punto ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.,National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) head. Maaaring nais lamang niyang mapaalalahanan ang mga celebrity na hindi simpleng pakikipag-associate sa grupo ang maaaring kahantungan ng kanilang pagsuporta sa mga tinatawag na leftist sa lipunan.

Ang sa akin, may sariling pag-iisip ang mga celebrity na ito at matatalino para pumasok sa isang alanganing sitwasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.