Abante Tonite Interactive

Tamang pasahod sa Hunyo 12

124

Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na ipakita ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng pagbabayad ng tamang pasahod sa kanilang mga manggagawa sa Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, na deklaradong regular holiday.

Sa ipinalabas na abiso ng DOLE, base sa Proklamasyon Blg. 50 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 2016, ang pagbibigay ng tamang pasahod para sa mga regular holiday ay dapat na ipatupad sa Araw ng Kalayaan.

Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, babayaran siya ng 100% ng kanyang sahod para sa nasabing araw [(Arawang sahod + COLA)] x 100%];

Habang iyong mga nagtrabaho sa nasabing regular holiday, babayaran siya ng 200% ng kanyang regular na sahod para sa nasabing araw para sa unang walong oras [(Arawang sahod + COLA) x 200%];

Para sa trabahong ginampanan nang mahigit sa walong oras (overtime work), babayaran siya ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita para sa nasabing araw (Orasang kita ng arawang sahod x 200% x 130% x bilang ng oras ng pagtatrabaho);

Sa mga manggagawa naman na pumasok sa kanilang trabaho sa regular holiday na natapat sa kanyang ‘day off’, babayaran siya ng karagdang 30% ng kanyang ara­wang kita na 200% [(Arawang kita + COLA) x 200%] + [30% (Arawang kita x 200%)]