Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tamayo, Abadiano nagpalakas kay Bo

0 319

2 Batang Gilas na-recruit ng Fighting Maroons

Ikinatuwa ni University of the Philippines Fighting Maroons coach Dolreich ‘Bo’ Perasol ang mga bagong player nilang recruit na para sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 83 men’s basketball tournament 2020-21.

“I was happy with who we acquired,” pahayag nitong Sabado ng 48-year-old veteran mentor sa Coaches Unfiltered podcast.

SM food to go Banner Ad

“Especially the last two kasi sila ‘yung nagpuno doon sa kulang namin,” sambit pa niya ipinupunto sina Nazareth School of National University forward Carl Tamayo at playmaker Gerry Abadiano at kapwa mga dating miyembro ng Batang Gilas Pilipinas.

Ilan pa sa mga madadagdag para sa Diliman-based squad sina Miguel Tan, RC Calimag, Anton Eusebio at transferees Joel Cagulangan, Jancork Cabahug, CJ Catapusan, Malick Diouf, one-and-done Sam Dowd at Fil-Aussie Ethan Kirkness.

Hinirit pa ng Peyups tacitian na kailangang punan ang mababakanteng siyam na puwesto sa koponan niyang hangad na makaupo sa trono sa nakatakdang edisyon ng liga makaraang makaentra sa Finals sa nakalipas na taon..

“Nagmumukhang marami kaming ni-recruit, pero we really lack nine players kaya when I was trying to determine kung may laban ba kami doon sa mga medyo malalakas, sabi ko parang kulang. Kulang pa talaga,” panapos na pahayag ni Perasol. (Janiel Aabby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.