Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tamayo, Abadiano ober da bakod sa UP

0 299

TUMAWID ng bakod ang mga dating National University Bullpups na sina Carl Tamayo at Gerry Abadiano patungong University of the Philippines Fighting Maroons.

Kinumpirma ito ni UP Men’s Basketball team manager Atty. Agaton Uvero nitong Sabado.

Sa katunayan ay personal nang nakausap ni UP Fighting Maroon head coach Bo Perasol ang dalawa.

“We are very happy to have Carl and Gerry in our team. Coming straight out of high school, they have five full playing years with the team,” pag-welcome ng koponan.

“They will really be a big boost for our young team which is again in the process of rebuilding,” dugtong pa ni Perasol.

Ang talented big man na si Tamayo at floor general na si Abadiano ay magugunitang naging parte ng Gilas Pilipinas team na sumabak sa 2019 FIBA World Cup U19. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.