Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tamayo nakakalakad na

0 230

Nasa maayos at normal na kondisyon na ngayon si Gilas cager Carl Tamayo.

Ayon sa isang ulat, nakakalakad na si 20-anyos Carl matapos magka-injury sa laban nila kontra Indonesia.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Medyo masakit pa yung ankle niya. May minimal swelling pero nakakalakad na siya, ” sey ng hindi pinangalanang source.

Nitong Biyernes lang kasi ay nabalda ang paa ni Carl matapos magtamo ng grade 1 ankle sprain injury.

Bagama’t ayos na ang kondisyon ay hindi pa rin kabilang ang batang player sa 12-man lineup ng Gilas na lalaban ngayong Linggo sa rematch kontra South Korea. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.