Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tamayo, Peyups sinibak Archers : Swak sa Finals

0 50

Kumayod si Carl Vincent Tamayo ng 19 points, 10 rebounds, 4 steals at 3 assists upang ibangon ang UP Fighting Maroons sa 14-point down tungo sa pagtimbog sa La Salle Green Archers, 78-74, sa 84th University Athletic Association of the Philippines men’s basketball semifinals knockout game sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay Biyernes ng gabi.

Kaagapay ng dating Batang Gilas si Malick Diouf na nagbaon ng 14 markers, 17 boards, 4 stls. at 1 ast. sa come-from-behind win at pagsakop ng State U sa second finals slot, una pagkaraan noong 2018.

Binura ng Diliman-based squad ang 14-point lead ng DLSU, 70-56, sa fourth quarter at tumabla sa 73-all mula sa basket ni Tamayo sa huling 1:30 oras. Siya rin ang nagpalamang sa Maroons sa UP 76-74 at nagbigay ng pampinaleng iskor sa dumadagundong na 22-4 blits ng winning squad na tumapos sa game.

Nakatuwang din sa panalo ng UP si Harold Alarcon na umiskor ng 14 at Ricci Paolo Rivero na na may 12.

Nabalewala naman para sa mga basketbolistang taga-Taft para ang game-high 26 pts. ni Schonny Winston, 11 markers ni Mark Nonoy at 10 puntos ni Mike Phillips.

Makakatapat ng Maroons sa Finals ang reigning champion Ateneo Blue Eagles sa Linggo. Puntrya ng UP ang pangalawang korona, una sa loob ng 39 na taon, mula nang magkampeon noong 1986. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.