Abante Tonite Interactive

Tambak na dokumento winasak ng ex-government official

718

Sino daw itong dating opisyal ng gobyerno ang winasak ang mga dokumento sa kanyang opisina bago namaalam sa trabaho?

Sa natisod na info ng Tonite, hindi daw nag-alsa balutan itong dating government official dahil hindi naman niya binitbit ang lahat ng kanyang gamit kundi ilang mga personal na bagay lang ang isinako para maiuwi sa kanyang bahay.

Imbes na dalhin ang sangkaterbang papel, ipinasira niya ito sa shredding machine sa loob ng kanyang opisina.

Abante Hiring – IT dep

Kung ipinakilo ito ng dating opisyal, kumita pa sana ang basurero sa dami ng papel sa kanyang tanggapan.

Pero mukhang mga sensitibong dokumento daw ang mga ito na kapag nabasa ng basurero ay ibenta pa ng mas mahal sa mga miyembro ng oposisyon.

Sa dami nga raw ng ipinasirang papel, aba’y bumigay pati ang shredding machine na made in China.

Sa kabila ng sangkaterbang ipinasirang papel, wala daw reklamo ang mga staff dahil sa minahal nila ang dati nilang boss. Bukod kasi sa hindi ito corrupt, naging maayos pa ang pakikisama sa kanila.

Clue: Ang dating government official na ipinawasak ang mga dokumento bago umalis sa kanyang trabaho ay isang abogado at may letrang A sa kanyang pangalan as in Agree.