Abante Tonite Interactive

Tambalang Kim-Gerald, go for platinum

By
8

Go for platinum na ang balik-tambalan nina Gerald Anderson & Kim Chiu na sweet-sweet-an sa Xmas station ID ng ABS-CBN.

Ano na ang mang­yayari kay Xian Lim?

Pupunta na lang ba ang binatang chinito sa kabukiran para maging magsasaka at ang kanyang produce — kalabasa, kangkong at pansit-pansitan?

Abante Hiring – IT dep

O mag-i-invest siya sa Cavendish banana plantations at magi­ging haciendero?

O bumalik sa Amerika, maybe pursue an American dream as a visual artist, pianist or filmmaker?

Bago ninyo sabi­hing babu na kay Xian, gathered­ from a source na may reinvention na magaganap kay Lim at siya ay magiging ‘­sexy hunk’ na.

Does this mean makikita natin siya na ibinubuyangyang ang katawang panromansa in photo shoots?

Ibabalandra ba niya ang kanyang mga kili-kili­ ala JC Santos para mas ­maging boy benta?

Ipapasilip ba niya ang kanyang pubic bush?

Gerald Anderson
Gerald Anderson

Will he don flesh-toned swimwear para maging visible ang kanyang penis line?

Kay Derek Ramsay raw ihuhulma ang reinvention na ito ni Lim.

Aba! Kung si Derek ang beefcake example, Xian must muster all his machismo and virility.

Si Derek, tumayo pa lang at i-flash ang pilyong ngiti at ibalandra ang katawang lupa, solb na solb na tayo.

Xian is just too ‘cosmpolitan’­ at parang ‘conservative’ kaya pagsubok sa kanyang pagiging matinee­ idol/heartthrob ang ma­ging lalaking parang kaysarap-sarap makapiling at makasiping.

Hindi niya kailangang maging balbas sarado to be more ‘macho’.

Hindi nasusukat sa balbas ang tikas, kun’di sa tigas!

Coleen Garcia
Coleen Garcia

The sexiest organ of the body is the brain kaya Xian should know how to titillate the brains of his followers and supporters.

Kasama raw sa reinvention na ito ang pagtatambal nila ni Coleen Garcia?

Naku, may imaheng ‘man eater’ itong si ­Garcia, makaya kaya ni Xian na tapatan ang ­natural sexiness ni Coleen with his Asian sexy studlet persona?

Bagay kaya kay Xian Lim ang maging boy barurot? O may asiwa at kadiri to death ­factor ito?

Basta ang diva that you love, kahit anong packaging ang gawin sa iyo, Xian Lim… love kita!

Support ko all the way ang iyong karera.

***

MAJOR-major ang pagdadabog ng bangs ko sa desisyon na  payagang mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang da­ting pangulo at talaga namang diktador na si Ferdinand Marcos.

Si Marcos ay naging Pangulo ng Pilipinas sa loob ng 20 taon.

Siyam na mahis­trado ang bumoto para siya ay mailibing sa nasabing­ himlayan, lima ang ‘di sumang-ayon at may isang ­inhibition.

Yakap na mahigpit, palakpakan na may kasamang sigawan at taos pusong pasasalamat sa limang mahistradong hindi pumayag at hindi nagbulag-bulagan sa katotohanang nagsusumigaw at maalam at may respeto sa kasaysayan.

Ang mahistradong nag-inhibit… Matanda na pero wala pa ring pinagkatandaanan.

Kandilang itim ang sisindihan ko para sa siyam na mahistradong lumapastangan sa ­katotohanan at kasaysayan.

Hindi na ako magagalit. Hindi na ako magtatanong.

Bilang isang mamamayan­ na tunay na mahal ang aking bayan, titiyakin kong hindi ako magnana­kaw, mangu­ngulimbat, papa­tay at magi­ging ganid sa kapangyarihan at salapi.

Ipagdarasal ko na sana,  mas dumami ang mabubuti, mababait at mararangal na taong ­laging nasa tama.

Isusumbong ko na lang ito sa Langit. Ha­yaan ko na Siya ang kumilos sa mga sukab.