Abante Tonite Interactive

Tambalang RafLex trending sa YouTube

587

Patok na patok ang pakikipagkulitan ni Alex Gonzaga kay Raffy Tulfo sa YouTube.

#1 trending video sa YT ang ginawang pagsugod ni Alex sa bahay ni Idol Raffy kung saan nakikain siya at naki-house tour.

In just 12 hours ay naka-2.5M views ang house invasion na ‘yon ni Alex.

Kaya masayang tweet nito, “sHoOQt aQoUH..! GRABE si idol raffy!!! Tambalang #Raflex ftw!!!”

Kahapon ay mahigit 3.4M views na ang nakakatuwang video na ‘yon na bentang-benta ang mga kalokahan at kajologan ni Alex.

Habang kumakain sila ni Raffy ay biglang nagkamay si Alex at sa mismong plato niya hinihigop ‘yung sabaw.

Hiniritan niya itong maging ninong sa kasal nila ng boyfriend niyang si Mikee, tapos ay parang bata siyang nagpasubo ng pagkain kay Tulfo.

Parang diring-diri si Raffy nu’ng inuman nito ‘yung bote ng coke na naunang ininuman ni Alex para raw i-check na wala itong lason.

Kita mong napipilitan lang si Raffy, pero natatawa rin ito sa mga kagagahan ni Alex.

“Para tayong naghahalikan sir, ah?” sundot ng hitad na si Alex.

Baka raw hindi i-renew (ang franchise ng ABS-CBN), kaya kiyemeng nag-apply si Alex na maging co-host sa show ni Raffy.

Aliw ‘yung dayalog ni Tulfo na bawal daw ang balahura sa programa niya, so kiyemeng na-hurt si Alex.

Pinakialaman ni Alex pati ang koleksyon ng sapatos ni Tulfo at ‘yung isang tiningnan niya, ang sabi niya ay amoy alipunga raw. Binawi niya ‘yon at joke lang daw.

Pati mga jacket at tie collection ni Raffy ay pinakialaman ni Alex, tapos ay pinagsayaw niya ito ng mala-Supahdance ng “ASAP.”

Binigyan niya si Raffy ng sapatos na umiilaw at natuwa naman ito, kaya lang ay masikip daw ang shoes.

‘Yung unang collab ng RafLex ay nag-grocery sila sa Landers. Havey rin ang mga kajologan doon ni Alex at parang hiyang-hiya si Raffy sa mga pinaggagagawa niya.

Naging top trending din ito sa YT at meron na itong 6.5M views in one week.

Among the local female celebs ay si Alex ang nagrereyna-reynahan ngayon sa YouTube at kahit anong kabalbalan ang gawin niya ay pinapanood ng madlang people kaya tiba-tiba siya sa kanyang career bilang vlogger.

5.36M ang subscribers ni Alex habang ang YouTube channel ng show ni Raffy na “Raffy Tulfo in Action” ay may tumataginting na 9.31M subscribers!

PAK!!

Pia walang pahinga sa lalaki

Mukhang New Year, new love ang drama ni Pia Wurtzbach, na bali-balitang jowa ngayon ang tinaguriang Instagram’s hottest globetrotter na si Jeremy Jauncey.

Wala silang post sa social media na magkasama sila sa isang pic or video, pero obvious na nasa iisang lugar sina Pia at Jeremy nu’ng New Year’s Eve.

Magkasama nilang sinalubong ang 2020 sa Bawah Reserve, isang luxury private island sa Indonesia.

Unang spotted na magkasama ang dalawa sa Hong Kong nu’ng November.

Last week of October balitang nag-break si Pia at ang race car driver boyfie niyang si Marlon Stockinger.

Ang 33-anyos na si Jeremy ang founder and CEO ng Beautiful Destinations, ang creative agency behind the world’s largest travel community on social media.

Dating rugby player ang Scottish na si Jauncey, na naging model ng Bench nu’ng 2017.

Si Pia ay may sariling travel show sa Metro Channel, ang “Pia’s Postcards”, so swak ang hot couple dahil pareho silang mahilig mag-travel.

May mga nagrereak na ang bilis magpalit ng boyfriend ni Pia at wala raw itong pahinga. As in hindi raw ito nababakante sa lalaki.

Depensa naman ng kanyang supporters, maganda si Pia at reyna, so dapat daw ba itong mag-iiyak at magmukmok nang dahil sa lalaki?

Half-Filipina rin pala ang ex ni Jeremy, ang gandarang fashion model na si Natalia Lalonde.

Mula nang makoronahang Miss Universe 2015 ay na-link ang 30-anyos na si Pia sa tinaguriang Sexiest Doctor Alive na si Dr. Mike (Mikhail Varshavski), tapos ay naging nobyo niya ang F1 racer na si Marlon Stockinger at ngayon ay balitang nakikipagmabutihan sa globetrotting hunk na si Jeremy Jauncey.

PAK!!