Abante Tonite Interactive

Tambay ginawang chief of staff ng senador

774

Sino daw itong mi­yembro ng Upper House ang kumuha ng tambay upang magsilbing chief of staff sa kanyang tanggapan?

Lagpas 20-an­yos lang ang lalaki at walang gaanong work experience pero nabigyan ng magandang puwesto sa Senado.

Ang naging tiket ni tambay para maging COS ay dahil sa koneksyon umano nito sa misis ng senador.

Nangangapa tuloy ito sa kanyang trabaho at kinailangan pang magpaturo sa mga nakakaalam hinggil sa mga pasikot-sikot sa tanggapan.

Nabalewala tuloy ang babala ng senador na kung palpak ang trabaho ng staff ay sisibakin niya ito, pero sa kaso ng kanyang COS ay hindi naman magawa ang polisiyang ito.

Clue. Ang senador na kumuha ng tambay para maging COS ay kilalang pikon at may letrang L sa kanyang pangalan.