Abante Tonite Interactive

Tambay huli sa P6.8M shabu

0 186

Arestado ang 32-anyos­ na lalaking walang trabaho pero tinuturong big time drug pusher at nakuhanan ng P6.8 milyong halaga ng shabu sa buy-bust ope­ration sa Parañaque City, Miyerkoles.

Kinilala ang suspek na si Bayan Ibrahim, 32, ng Brgy. San Dionisio.
Nag-ugat ang pag-aresto kay Ibrahim nang mahuli ang isa pang tulak sa Caloocan City at ituro ito bilang supplier.

Bunga nito, nagsagawa ng surveillance operation ang pulisya laban kay Ibrahim na nagpositibo sa transaksiyon sa iligal na droga.

Ala-1:30 ng hapon, ikinasa ang buy-bust ope­ration sa Russia St., Brgy. Don Basco.

Matapos ibigay ng under cover na pulis ang buy-bust money kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, dito na pinosasan ang suspek.

Nang kapkapan, nakuha pa sa suspek ang isang large tea bag na may lamang mahigit kumulang isang kilo ng shabu na may market value na P6.8 milyon.
(Orlan Linde/Armida Rico)