Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tambay, mangingisda timbog sa P600K shabu

0 116

Kalaboso ang isang mangingisda at ang kaibigan nitong tambay, makaraang kumagat sa buy-bust operation at nakuhanan ng higit P600,000 halaga ng shabu sa Navotas City.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek na sina Michael Manalaysay, 41, mangingisda at kasama nitong si Jayson Esguerra, 40, kapwa ng Brgy. Tangos. Alas-8:05 ng gabi nang ikasa ang operasyon laban sa mga suspek, isang poseur buyer ang umiskor sa kanila ng P500 halaga ng shabu.

Nang abutin ng mga suspek ang buy-bust money, doon na sila hinuli ng mga kasamahan ng dalawang nagkunwaring buyer. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.