Abante Tonite Interactive

Tambungan bagong EPD chief

234

Nagsimula na kahapon si Police Brig. Gen. Christopher Tambungan bilang bagong director ng Eastern Police District (EPD).

Ito ay matapos sibakin sa puwesto si Police Brig. Gen. Bernabe Balba na nadamay sa kaso ng isang pulis na nakatalaga sa District Drug Enforcement Unit ng Eastern Police District na nahuli sa pangi­ngikil sa isang suspek sa droga.

Inihayag naman ni Tambungan na walang magaganap na bala­sahan sa hanay ng EPD dahil kailangan pa niyang pag-aralan ang kanilang mga performance.

Samantala, naging emosyonal naman ang ilang pulis sa pagpapaalam ni Balba sa ginanap na turnover cere­mony Huwebes nang hapon kung saan ay nagpasalamat ito sa mga sumuporta sa kanyang liderato.

Pinangunahan ni National Capital Region Police Office director Police Major Gene­ral Guillermo Eleazar ang turnover ceremony kasama ang mga police commander at unit chief sa pag-welcome kay Tambungan.