Abante Tonite Interactive

Tampo ng mga muntik itapon aayusin ni Lakers prexy Magic

261

Matapos muntik na ipamigay ang halos kalahati sa kanyang roster para kay New Orleans star ­Anthony ­Davis, kailangang magpabango muli ni Los Angeles Lakers President Earvin ­‘Magic’ Johnson sa kanyang mga manlalaro para muling mabuo ang chemistry ng koponan.

Sa naging panayam sa Hall of ­Famer ng mga reporter para sa komemo­rasyon ng pagkapanalo ng Michigan Spartans kontra Minnesota noong 1979, sinabi nito na hindi dapat personalin ng mga manlalaro ang naudlot na trade move ng Lakers.
“It’s a part of business, it’s a part of being a professional athlete,” ayon sa Lakers legend.

“I’m going to hug ‘em and tell them that we got to come together and our goal is still in reach, which is to make the playoffs.”

Sa napurnadang trade, napaba­litang handang ibigay ng Lakers ang mga bagitong sina Brandon Ingram, Kyle Kuzma, Lonzo Ball; at mga bete­ranong sina Lance Stephenson, Michael Beasley at Rajon Rondo kasama pa ang dalawang first round pick, base sa report ng Los Angeles Times.

Ngunit hindi nagustuhan ng Lakers ang counteroffer ng Pelicans na nanghihingi ng anim hanggang walong pick dahilan para hindi matuloy ang pag-uusap.

“I love our team. I love the guys,” ani pa ni Magic. “It’s a tough part of our business whether you’re mentioned in trade talk, or you get traded. It’s a tough part of professional sports.”

Kasalukuyang nasa 10th spot ang LA-based squad sa Western Conference, na inaasahang umangat matapos bumalik ang kanilang superstar na si LeBron James mula sa groin ­injury.