Abante Tonite Interactive

Tan-Rodriguez combo kampeon sa Mindoro

By
0 183

Kinalawit nina Bea Tan at Dij Rodriguez ang korona sa women’s division ng BVR on Tour kahapon sa Dreamwave White Beach, Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Dala ang Team Amazing Puerto Galera, hinataw nina Tan at Rodriguez ang 21-15, 21-14 panalo laban kina Derie Rosales at MJ Ebro ng Team XentroMall sa finals.

Nagkampeon din ang men’s team ng Ama­zing Puerto Galera matapos pagpagin nina Ranran Abdilla at Jessie Lopez sina KR Guzman at Krung Arbasto ng Team XentroMall, 21-17, 21-14.

Tinapos ang 4-0 record, kinalos muna nina Tan at Rodriguez ang Team Dreamwave pair nina Roma Joy at Roma Mae Doromal sa semis, 21-12, 21-13.

Sa championship match, ipinakita nina Tan at Rodriguez ang kanilang tikas matapos dominahin ang laro.
Ikakasa ang second leg ng beach volleyball sa Marso 23-24 sa Santa Fe, Bantayan Island sa Cebu.