Abante Tonite Interactive

Tan, TIP patok kontra Alberei

190

Mga laro mamaya:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
1:30 p.m. – TIP vs Alberei
3:30 p.m. – Asia’s Lashes vs Marinerong Pilipino
5:30 p.m. – McDavid-La Salle Araneta vs Hyperwash

Sa tigasing papakita ni Russel Tan at iba pang karantso, susunggaban ng Technological Institute of the Philippines ang Group B top two spot kontra Alberei sa una sa tatlong sultada mamaya ng 9th Philippine Basketball Association D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Titiyakin ng ‘B’ 2nd-running TIP Engineers (4-1) ang twice-to-beat advantage at maging unang koponan matapos ng asignatura sa eliminations at makatapak sa quarterfinals sa ala-1:30 ng hapong pakikipagbuno sa nasa ilalim sa nasabing grupong A Kings (0-3)

“It’s going to be big for us,” bulalas ni coach Potit de Vera sa asam na 3-game wining-streak pagkarang laklakin ang Black Mamba nitong Huwebes, 110-99. “We want to have that momentum before going on a long break.”

Tinatayang makakasangga ni Tan para sa TIP sina Bryan Santos at GC Carurucan habang nagpapagaling pa si Senegalese big man Papa Ndiaye mula sa hamstring injury.

(Aivan Denzel Episcope)