Abante Tonite Interactive

Tanaka bumida sa Yankees

By
0 202

Pakitang-gilas si Masahiro Tanaka sa New York Yankees, dinomina ang Seattle Mariners tungo sa 4-0 panalo sa harap ng 32,195 crowd sa Safeco Field, Biyernes nang gabi.

Sa inilaro ni Tanaka, nanguna ang pangalan niya bilang early favorite na maging starter ng Yankees sa AL (American League) wild-card game.

Ayon kay manager Aaron Boone, malalaman sa final 22 games kung sino ang magiging starter ng New York sa lose-and-go-home game na posibleng kontra Oakland Athletics.

Makakaagawan ni Tanaka bilang starting pitcher sa wild-card game sina JA Happ at Luis Severino.

Kontra Mariners, tatlong hits lang ang binigay ni Tanaka at naka-strike out ng 10 na walang pinalusot na walk sa loob ng eight innings.
Matikas na suportang nakuha ni Tanaka sa mga kakampi. Humataw ng two-out, two-run homer sa se­cond inning si Gleyber Torres, ganito rin ang nilista ni Andrew McCutchen sa third laban kay James Paxton.

Nalusutan si Paxton ng four runs at five hits, pareho pang homers, sa higit six innings.