Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tanaw-balik: 5 krimen gumulantang sa mga Pinoy

0 81

Sa kabila ng lockdown dulot ng pandemya, hindi pa rin nawala ang mga krimeng gumulantang sa sambayanan ngayong taon, binalikan ng Abante Tonite ang ilan sa mga ito:

Dating sundalo napatay ng sarhento

Abril 22, nang mapatay ni Police Master Sgt. Daniel Florendo Jr., ang dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Winston Ragos sa isang police quarantine checkpoint sa Maligaya Drive, Barangay Pasong Putik sa Quezon City.

Sinita si Ragos ng mga police trainee dahil sa hindi pagsunod sa health protocol pero nagalit umano ito ikaya ini-report ito kay Florendo Jr, na agad tintutukan ng baril si Ragos na akmang may dudukutin sa kanyang sling bag kaya pinaputukan ito na ikinamatay ng biktima.

Kasong murder ang isinampa sa korte laban kay Florendo.

Lady Grab driver na binurdahan ng saksak

Hunyo 29 nang matagpuang patay ang Grad driver na si Jang Lucero, 32-anyos, sa Bucal Bypass Road sa Barangay Maunong sa Calamba City.

Natagpuan si Lucero sa kanyang minamanehong Mitsubishi Mirage na may 64 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Apat na suspek kabilang ang isang babae ang hulin nitong naisakay at ayon sa imbestigasyon ay crime of passion umano ang motibo ng pamamaslang.

Una ng nakaaresto ang pulisya ng isang babaeng suspek na umano’y mastermind ng pagpatay subalit pinakawalan din ng pulisya dahil sa kakulangan ng ebidensya, hanggang ngayon ay wala pa ring linaw ang kaso.

4 Army intel officer todas sa Jolo police

Hunyo 29 nang mapatay ang apat na intelligence officer ng Philippine Army na sina Major Marvin Indammog, 39; Cpt. Irwin Managuelod, 33; Sgt. Jaime Velasco, 38, at Cpl. Abdal Asula sa Barangay Walled City, Jolo, Sulu.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagsasagawa umano sila ng surveillance operation laban sa mga terorista nang sitahin ng mga pulis na kalaunan ay humantong sa pamamaril.

Sinampahan na ng kasong murder ang siyam na pulis na kasalukuyang nasa restrictive custody sa Camp Crame.

Fabel Pineda murder case

Hulyo 5 nang patayin ang 15-anyos na si Fabel Pineda nang pagbabarilin ng riding-in-tandem na kalaunan ay nakilalang sina PSSgt. Marawi Torda at PSSgt. Randy Ramos, nakatalaga sa San Juan Municipal Police, sa Ilocos Sur.

Nag-ugat ang pamamaslang sa dalagita nang magreklamo ito sa Cabugao Municipal Police Station sa kasong acts of lasciviousness laban kay Torda.

Sa imbestigasyon, Hulyo 2 ng gabi nang masita sa checkpoint ng dalawang pulis na suspek sina Pineda kasama ang 18-anyos nitong pinsan galing sa isang party sa bayan ng San Juan sa Iloco Sur at nagmagandang loob ang mga pulis na ihatid ang mga ito sa kanilang bahay subalit pagsapit sa madamong bahagi ng lugar sa Cabugao ay pinagsamantalahan sila ng dalawang pulis, nagahasa ni Ramos ang 18-anyos na pinsan subalit nakatakas si Pineda dahilan upang magsampa sila ng reklamo laban sa dalawang pulis.

Killer cop tinodas mag-ina

Sinong makakalimot sa karumal-dumal na pamamaslang ni PSSgt. Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya, 52, at Frank Anthony Gregorio, 25, na nakuhanan pa ng video nitong Disyembre 20 sa Barangay Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac.

Nagawa pa ito ng pulis habang nasa harap ng kanyang menor de edad na anak. Kumalat naman sa social media ang video kung saan makikitang binaril ng pulis sa ulo ang biktima.

Sinampahan na ng double murder at kasong administratibo si Nuezca dahil sa krimen.

Napag-alaman din na si Nuezca ay may mga dati ng kaso ng kabilang ang 2 homicide noong 2019 pero na dismiss din ito ng korte. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.