Abante Tonite
Mabilis sa Balita

TANAW-BALIK 90’s: Ara, Ina sagana sa asim

0 252

NI: Nonie V. Nicasio

Kabilang sina Ara Mina at Ina Raymundo sa mga aktres na nagpa-init sa maraming barako noong dekada 90.

Kapwa may angking natatanging ganda at kaseksihan sina Ara at Ina. Bukod sa game sa daring scenes sa kanilang mga pelikula noon, tila naging tatak nila ang pagkakaroon ng malulusog na dibdib.

Maraming barako ang nabusog nang husto ang mata at naglaway sa kariktan nila.

Marami silang nakakikiliting bed scene at daring scenes.

Nasa 40’s na sina Ara at Ina, pero hindi lang sila sagana sa asim, pantasya pa rin sila ng maraming kalalakihan hanggang ngayon .Matindi pa rin ang taglay nilang hotness.

Nagsimula ang journey ni Ara sa showbiz via German Moreno’s ‘That’s Entertainment’. Na sinundan nang pagiging bahagi niya ng casts n longest running gag-show sa bansa, ang ‘Bubble Gang’. Nakapag-release rin si Ara ng tatlong album. Sumikat ang kanta niyang ‘Ay, Ay, Ay Pag-Ibig.”

Ang ilan sa sexiest films naman niya ay ‘Banatan’, ‘Sex Phone,’ ‘Laro Sa Baga,’ ‘Ang Huling Birhen Sa Lupa’ at ‘Two Timer’.

Nanalo si Ara ng Best Actress sa pelikulang ‘Mano Po’ sa MMFF 2002. Nadagdagan pa ng tatlo ang kanyang Best Actress award para sa pelikulang Ang Huling Birhen Sa Lupa nang manalo siya sa Golden Screen Awards, FAMAS, at MMFF. Wagi rin si Ara as Best Supporting Actress sa Star Awards for Movies at sa Golden Screen Awards para sa pelikulang ‘Minsan Pa’.

Ngayon, bukod sa napapanood sa TV series na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, nakatutok si Ara sa pagpapalaki sa kanyang five year old daughter na si Amanda Gabrielle na ang ama ay ang politico-producer na si Patrick Meneses.

Lumalago rin ang kanyang business ngayon.

Si Ina ay kinilalang certified hottie sa kanyang beer commercial noon at binansagang Sabado Night Girl. Mula rito, umarangkada na ang aktres sa kaliwa’t kanang proyekto.

Napanood siya sa mga pelikulang ‘Sabado Nights’, ‘Burlesk Queen Ngayon’, ‘Tuhog’, at iba pa. Sa Tuhog ay nakakuha siya ng nominasyon bilang Best Actress sa Gawad Urian. Nakapag-release rin ng isang album ang aktres.

Sa taglay na kaseksihan ni Ina, hindi aakalain na mayroon na siyang limang anak. Ang kanilang pagmamahalan ng Ukrainian-Canadian businessman husband niyang si Brian Poturnak ay naging bunga sina Erika Rae, Jakob, Mikaela Jade, Anika Sage, at Minka Eve.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Ina na isa sa sikreto ng kanyang pagiging younger looking ay ang pagiging fun loving. Ang mga anak daw niya ang nagpapaligaya sa kanya at maingat din siya sa kanyang mga kinakain.

Si Ina ay napanood sa zombie movie na ‘Block Z’ ni Direk Mikhail Red na ipinalabas early this year. Kahit aktibo pa rin sa showbiz, sa family ang focus lagi ng aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.