Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tanaw-balik 90’s: Joyce, Priscilla mabagsik ang kamandag

0 446

NI: NONIE V. NICASIO

Sina Joyce Jimenez at Priscilla Almeda ang dalawa sa hottest at boldest sexy stars noong dekada 90.

Masasabing noong panahong iyon, itinuturing silang Diyosa ng mga barakong mahilig sa mga pelikulang sexy at maraming kargang pasilip. Kaya siguradong nakatatak pa rin sa utak ng maraming barako ang makurbang katawan, flawless na complexion, at malulusog na boobs ng dalawang aktres.

Pagdating sa pagtatalop at pagpapakita ng kanilang alindog, walang takot at palaban ang dalawang aktres.

Kaya naman maraming kalalakihan ang tulo-laway sa mabagsik na kamandag nina Joyce at Priscilla.

Si Joyce ay tinaguriang Pantasya ng Bayan at nagpa-init sa maraming boys sa mga pelikulang ‘Scorpio Nights 2’ (1999), ‘Warat’ (1999), ‘Biyaheng Langit’ (2000), ‘Narinig Mo Ba Ang L8st?’ (2001), ‘Ano Bang Meron Ka?’ (2001), at ‘Balahibong Pusa’ (2001).

Siya ay itinanghal na Ms. RP Movies ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation noong 2001.Ngayon, si Joyce ay masayang naninirahan sa California, USA. Ito ay sa piling ng asawang Fil-Am na si Paul Ely Egbalic at ng kanilang tatlong anak na sina Jorja Ely, Jaysen Elise, at Julian Elysson.

Bukod sa pagiging full-time mommy blogger, si Joyce ay isa ring fitness enthusiast.

Hinggil naman kay Priscilla, nagsimula siya sa mundo ng showbiz bilang si Abby Viduya na love interest nina Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez, at Eric Fructuoso sa pelikulang ‘Gwapings: The First Adventure’.

Taong 1995 nang nagpalit siya ng image sa pelikulang ‘Sabik sa Halik’ ng Seiko Films. Dito nagsimula ang pagsabak niya sa sexy films.Nagpalit din siya ng screen name bilang Priscilla Almeda.

Mula sa ST o Sex Trip movies, nauso naman sa 90’s era ang TF o Titillating Films.

Ang ilan sa sexy films na ginawa niya na nagpa-excite sa maraming kalalakihan ay ‘Sariwa’ (1996), ‘Tukso Layuan Mo Ako 2’ (1996), ‘Exploitation’ (1997), ‘Sutla’ (1999), at ‘Syota ng Bayan’ (2001).

Huling napanood si Priscilla sa Judy Ann Santos-Piolo Pascual TV series na ‘Sa Puso Ko, Iingtan Ka’.

Nang iwan ang showbiz ay nanirahan siya sa Canada at nagkaroon ng tatlong anak.

Last year ay nagbalik-showbiz si Priscilla at lumabas sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. Kasabay nito halos ang pagputok ng balitang hiwalay na siya sa dating live-in partner sa Canada na si Rodrigo Ines.

Sa ngayon ay masaya si Priscilla dahil nagkabalikan sila ng first love niyang si Jomari Yllana.

Leave A Reply

Your email address will not be published.