Abante Tonite
Mabilis sa Balita

TANAW-BALIK 90’s: Klaudia, Glydel nagpaliyab sa mga barako

0 129

NI: Nonie V. Nicasio

Kabilang sina Klaudia Koronel at Glydel Mercado sa mga nagpa-init ng showbiz world noong dekada 90.

Ang kanilang taglay na beauty at makurbang katawan ay kabilang sa pinagpiyestahan nang todo ng maraming barako noon. Maraming boys ang nabusog ang mga mata sa patikim ng alindog nina Klaudia at Glydel.

Maituturing na bagyo sa kaseksihan ni Klaudia, lalo na ang kanyang malulusog na boobs. Kaya siguradong naging laman siya ng sexual fantasy ng maraming kalalakihan.

Siya ang tipo ng kalahi ni Eba na kayang dalhin sa ika-pitong glorya nang kaligayahan ang sino mang barako.

Isa si Klaudia sa naging reyna sa bakuran ng Seiko Films. Kabilang sa pelikulang nagawa niya rito ang ‘Anakan Mo Ako’, ‘Kesong Puti’, ‘Pisil’, ‘Linggo Lang Ang Pahinga… Dapat Lang!’, ‘Walang Dayaan Akin Ang Malaki’.

Sa pelikulang ‘Live Show’ (dating Toro) daw siya parang natauhan kaya naisipang tumigil na sa paggawa ng sexy films.

Dito niya napagpasyahang bumalik sa pag-aaral sa new Era University at nagtapos ng BS Computer Science noong 2005.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-asawa si Klaudia noong August 28, 2009 at sila ay nanirahan sa Arizona, USA. Dito’y ipinagpatayo siya ng mister ng homecare business.

Pero, nakaranas umano siya ng verbal abuse sa asawa at nauwi sa divorce ang kanilang pagsasama. Dahil dito’y dumaan sa depression at nagtangkang magpakamatay si Klaudia.

Ang hindi malilimutan ni Klaudia sa kanyang buhay-showbiz ay ang mga taga-entertainment press, showbiz events, ang movie niya with Dolphy, nang naging semi-regular siya sa Bubble Gang, ang pagsabak niya sa sitcom na Kiss Muna ni Joey de Leon, nang naging part ng seryeng Mga Anghel na Walang Langit ng ABS CBN, at iba pa.

Ngayon ay nagtatrabaho pa rin si Klaudia sa Amerika at ang focus niya ay ang kanyang pamilya, lalo na ang para sa kinabukasan ng kanyang mahal na anak.

Bukod sa kaseksihan at beauty, acting ang isa pa sa naging puhunan ni Glydel sa mundo ng showbiz. Nagsimula siya sa ‘That’s Entertainment’ ni German Moreno noong 1992 at mula rito ay nagkasunod-sunod na ang projects niya sa TV at pelikula .

Kabilang sa mga movie niya ay ang “Bawal sa Halik ,” Anak ng Yakuza ,‘ Ambisyosa ,” “Mister Mo, Lover Ko ,”Teenage Mama’, ‘Silakbo’, ‘Onyok Tigasin’, ‘Indecent Professor’, ‘Bikini Watch’, at marami pang iba.

Sa pelikulang ‘Sidhi’ with Nora Aunor at Albert Martinez nagmarka nang husto ang pagiging aktres ni Glydel. Dito’y naka-Grand Slam si Glydel nang nanalong Best Supporting Actress awards sa apat na annual award-giving bodies sa bansa that time-PMPC Star Awards for Movies, FAMAS, Urian, at FAP o Film Academy of the Philippines award.

Ikinasal sila ni Tonton Gutierrez noong March 15, 2004 at naging bunga ng kanilang pagmamahalan sina Aneeza at Aneeka.

Sa ngayon ay aktibong-aktibo pa rin si Glydel sa showbiz. Bukod sa pagiging isa sa ambassadress ng Beautederm, siya ay bahagi ng bagong TV series ng ABS CBN titled ‘Bagong Umaga’.

Leave A Reply

Your email address will not be published.