Abante Tonite
Mabilis sa Balita

TANAW-BALIK 90’s: Osang, Amanda kasalo sa ‘sariling sikap’

0 108

NI: NONIE NICASIO

Sina Rosanna Roces at Amanda Page ang dalawa sa daring actress na namayagpag sa mundo ng showbiz noong dekada 90.

Kabilang sina Rosanna at Amanda sa nagpa-init ng maraming kalalakihan sa naturang era, sa mga pelikula nilang tinawag na ST o Sex Trip.

Sila Osang at Amanda ay dalawa sa mga sexy stars na naging rason kung bakit amoy chlorox ang ilang sinehan noon. Definitely, maraming boys ang nagpantasya at naging kasalo sa pagsasariling-sikap sina Osang at Amanda.

Nakilala si Osang noon bilang isa sa Seiko contract star na palaban sa hubaran. Kinaaliwan din sa pagsagot na naughty ang dating.

Ang ilan sa mga pelikula niya ang “Patikim Ng Pinya,” “Curacha, Ang Babaing Walang Pahinga”, “Cariño Brutal”, “Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin”.

Nagkaroon din siya ng sitcom na “1 For 3” at ‘Daboy en Da Girl’, at parte ng showbiz talkshow na “Startalk”.

Mani lang sa kanya ang pagsusuot ng sexy two piece bikini at ang pagsabak sa erotic wet scenes. Marami ring pelikula si Osang na nagkaroon siya ng full breast exposures. Kung hindi kami nagkakamali, may pelikula si Osang na tumodo siya nang husto sa pagpapatakam sa mga barako at nagkaroon ng frontal nudity. Although maituturing itong artistic talaga.

Nanalo siyang Best Supporting Actress sa pelikulang “Presa” at Best Actress sa “La Vida Rosa” sa URIAN.

Related Posts

Year 2015 ay pinakasalan ng aktres ang babaeng partner na si Blessy Arias sa Canada. Dati nang nakarelasyon ni Osang si Blessy noong teenager siya.

Sa ngayon, aktibo pa rin siya sa pelikula at telebisyon. Huling napanood si Osang sa ABS CBN’s “Pamilya Ko”.

Kung may mga aktres na tinatawag ngayong Hot Momma, si Osang naman ay pasok na pasok bilang Hot Lola. Masaya siya sa piling ng kanyang pamilya lalo na sa mga apo, kabilang dito si Jose Gabriel “Gab” Revilla, na anak ni Grace kay Jolo Revilla.

Si Amanda naman ay laki sa Tate at naging maingay agad ang pag-entra niya noon sa showbiz dahil sa image na babaeng liberated.

Matatandaan si Amanda sa kanyang quote na tipong sinabi ng aktres na hindi niya na-feel ang isang nakaromansang actor. Insinuating na dyuts ang kargada nito.

Kabilang sa mga sexy movies na tinampukan niya ang “Gayuma”, “Sobra Sobra Labis Labis”, at “Tatsulok”. Gumawa rin siya ng sex-comedy films at naging leading lady ng action stars na sina Fernando Poe, Jr. (“Ang Probinsyano”) at Phillip Salvador (“Bobby Barbers: Parak”).

Gumanap din si Amanda bilang Josephine Bracken sa “Rizal sa Dapitan” at dahil dito’y na-nominate na Best Supporting Actress sa Gawad Urian.

Year 2000 nang iwan niya ang showbiz. Ten years na siyang kasal kay Dr. Lee Mendiola, na isa ring Pinoy. Siya’y nakabaseng muli sa US at isa nang mommy ngayon na may seven-year-old na anak na ang pangalan ay Mason.

Nakatutok ngayon si Amanda sa kanyang pamilya at trabaho sa health-care industry.

Leave A Reply

Your email address will not be published.