Abante Tonite
Mabilis sa Balita

TANAW BALIK 90’s: Piel, Natasha nagpasabog ng alindog

0 223

NI: NONIE NICASIO

Kabilang sina Piel Morena at Natasha Ledesma sa mga tinutukang sexy stars noong Dekada 90.

Ang kariktan nina Piel at Natasha ay tiyak na nakintal sa isip ng maraming barako dahil sa taglay nilang hotness.

Maraming pulutong ng kalalakihan ang na-excite at nagwater-water sa kanilang mga pasilip.

Ito’y sa pamamagitan ng mga pelikulang kanilang nilabasan na kargado ng mga eksenang pampainit.

Sandamakmak na boys ang nagpiyesta nang todo ang mga mata sa patikim ng alindog nina Piel at Natasha.

Kabilang sila sa mga Eva’ng madalas na inaabangan ng mga lalaking tigasin at mahilig sa sexy films.

Si Piel ang pambato ng FLT Films at unang pelikulang ginawa niya ay ang ‘Suicide Rangers’ noong 1996.

Sinundan ito ng ‘Kabiyak 2’, ‘Campus Scandal’, ‘Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib’, ‘Hamog sa Magdamag’, ‘Ako’y Ibigin Mo… Lalaking Matapang’, ‘Senswal’, ‘Tabi-Tabi Po’, ‘Virgin Wife’, at iba pa.

Sa kabila ng pagiging palaban at may tatak bilang sexy star, noong 2012 ay inamin ni Piel sa isang panayam na siya ay lesbian. “I’m a lesbian. Sorry sa mga naging boyfriends ko before na hindi talaga nila alam,” saad niya.

Noong panahong iyon ay hindi na aktibo si Piel sa paglabas sa pelikula at nakatutok sa kanyang export and import business.

Nagsimulang magsabog ng kanyang alindog sa maraming barako sa silver screen si Natasha noong taong 1995. Si Natasha ay gumawa rin ng ilang pelikula sa Seiko Films na kilala bilang movie outfit ng mga palabang sexy stars.

Unang pelikula niya ang ‘Sabik sa Halik’, sinundan ito ng ‘Patikim ng Pinya’, ‘Kiliti’, ‘Kaliwa’t Kanan, Sakit ng Katawan’, ‘Exploitation’, ‘Bubot’, ‘Kulang sa Panahon’, ‘Saka na Natin Itanong Kung Kasalanan’, ‘S.E.L.D.A.’, at iba pa.

Si Natasha ay naging TV host din ng public service show na ‘Bread and Butter’ sa UNTV. Sa ngayon ay napapanood pa rin siya paminsan-minsan sa TV at pelikula.

Leave A Reply

Your email address will not be published.