Abante Tonite
Mabilis sa Balita

TANAW-BALIK 90’s:Ynez, Criselda pampainit ng puso

0 125

NI:NONIE NICASIO

Sina Criselda Volks at Ynez Veneracion ay kabilang sa sexy stars noong Dekada 90 na gumising sa pagkalalaki ng maraming barako.

Maraming boys ang nagpiyesta nang husto sa mga sexy poster at centerfolds sa dalawang aktres sa mga magazine at tabloids, plus siyempre, sa kanilang sexy movies.

Palaban at walang takot sa pagpapa-sexy ang dalawang aktres. Itinuturing nilang parte ng kanilang trabaho sa pinilakang tabing ang gampanan nang buong puso at buong husay ang anumang papel na natotoka sa kanila. Kabilang na ang mga pelikulang pampainit sa puson ng mga barako.

Kaya naman siguradong maraming boylet ang naging laman ng kanilang pantasya sina Criselda at Ynez, lalo na sa malalamig na gabi.

Taong 1996 nang si Criselda ay pumalaot sa mundo ng showbiz. Kabilang sa mga pelikulang ginawa niya na nagpasilip siya ng kanyang kariktan ang mga sexy-drama at sexy-comedy films tulad ng ‘Masarap, Masakit ang Magmahal’ (1997), ‘Mananayaw’ (1997), ‘Tatlong Kasalanan’ (1998), ‘Dr. X on the Air’ (1998), ‘Alyas Boy Tigas: Ang Probinsyanong Wais’ (1998), ) ‘Uod sa Laman’ (1998), ‘Init ng Dugo’ (1998), ‘Walang Katapusang Init’ (1998), at ‘Alyas Bomba Queen’ (2002). Karamihan sa mga pelikulang ito ay may R-18 rating.

Ang isa sa pelikulang pinuri ang husay ni Criselda ay sa ‘Kaleldo’ ni Direk Brillante Mendoza.

Hindi puro glitz and glamor ang buhay-showbiz ni Criselda. Ang ilan sa mga eskandalong kinasangkutan niya ang hiwalayan sa actor na si Cris Villanueva, ang kanyang suicide attempt, at ang pag-leak ng sex video umano ng aktres.

SM food to go Banner Ad

Noong 2011 ay nagpasya si Criselda na sa Amerika na manirahan. Naiulat na noong 2017 ay ikinasal ang aktres sa kanyang girlfriend sa isang simpleng civil ceremony sa Texas, USA.

Si Ynez ay nagsimula sa mundo ng entertainment bilang model at kinalaunan ay pinasok na rin ang pag-arte.

Kabilang sa mga pelikulang nagpatikim siya ng alindog ang ‘Masarap, Masakit ang Magmahal’ (1997), ‘Dalhin Mo Ako Sa Langit’ (1997), ‘Babae Sa Dalampasigan’ (1997), ‘Casa Verde’ (1998), ‘Kung Liligaya ka sa Piling ng Iba’ (1998), ‘Pagnanasa’ (1998), ‘Magagandang Hayop’ (1998), ‘Alindog ni Barbara’ (1999), ‘Kaagaw’ (1999), at ‘Sa Paraiso ni Efren’ (1999).

Sa huling pelikulang nabanggit na mula sa pamamahala ni Direk Maryo J. delos Reyes, napansin ang acting ni Ynez nang siya ay na-nominate sa 2000 Gawad Urian award bilang Best Supporting Actress.

Mula sa paggawa ng pelikula at teleserye, taong 2008 nang nagdesisyon siyang tumigil na sa paggawa ng sexy films. Dito’y sinimulan naman niya ang career sa pagkanta, habang patuloy pa rin sa kanyang acting career.

Isa si Ynez sa mga aktres na mula sa pagpapa-sexy, naka-graduate at nakatawid sa ibang larangan ng entertainment.

Kabilang sa awards na nakamit ni Ynez ang Best Crossover Performer (Female) ng Aliw Awards noong 2017 at 2019, plus Best Supporting Actress para sa pelikulang ‘Jesusa’ sa Subic Bay International Film Festival noong 2019.

Hanggang ngayon ay aktibo pa rin si Ynez sa paggawa ng pelikula, paglabas sa TV, at pagsabak sa mga live show bilang singer/entertainer. Masaya siya sa piling ng unica hija na si Princess Keilah del Rosario.

Leave A Reply

Your email address will not be published.