Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tanaw-balik kay Illut

0 54

KUNG nabubuhay pa si Leonardo Illut, siya’y nagdiwang ng 65th birthday noong Martes, Setyembre 21 makaraang isilang noong 1956 sa Cebu.

Siya po ang naging pambato ng ‘Pinas sa men’s marathon ng 23rd Summer Olympic Games 1984 sa Los Angeles, USA.

Tumapos ang Cebuano long-distance runner sa pang-77 puwesto sa 78 finishers sa makasabog baga’t makabali-tuhod na 42.195-kilometrong karera . May 29 ang nag-did not finish o DNF.

Nagtala siya ng 2 oras, 49 na minuto at 39 na segundo sa event na may 107 competitors mula sa 59 na mga bansa,

Naghari si Illut sa 10th National MILO Marathon Finals 1983 sa 2:33:22 clocking. Ang personal best niya sa full-marathon ay 2:26:49 na kanyang naitala noong 1981 nang magkampeon din siya sa 1981 Alay Sa Pangulo Marathon.

Hindi nakalahaok ang Olympian marathoner na isa ring sundalo (PH Constabulary sergeant) sa Asian Games, Asian Marathon Championships, at Southeast Asian Games.

Kung hindi po ako nagkakamali, hindi pa nalulutas ang pagpaslang sa mananakbo sa Mandaluyong Cockpit may ilang taon na ang nakakalipas.

***

Hanggang sa susunod pong Martes mga Ka-TP, ka-Abante TONITE .

Sa mga nais pong magtanong o magkomento, mag-email lang po kayo sa ramilcruz2003@gmail.com at ramilcruz2003@yahoo.com. Maaari ring mag-tweet sa @RamilCruz2003.

Dalangin ko pong matapos na rin ang Covid-19 sa buong mundo. God bless us all!

Leave A Reply

Your email address will not be published.