Abante Tonite Interactive

Tanaw-balik: Pinoy bronze sa 1954 World Basketball

By
0 166

Pagdating ng Aug. 31-Sept. 15, iguguhit ng Team Pilipinas ang pang-anim na appearance sa FIBA Basketball World Cup.

Nakalimang sabak na sa torneo ang Pilipinas, pero isang beses pa lang nakasampa sa podium.

Kilala pa ang torneo bilang World Basketball Championship for Men, bronze medalist sa se­cond edition sa Rio de Janeiro, Brazil ang ‘Pinas noong 1954. Paramihan pa lang ng panalo noon, ang may most wins sa final round ang kampeon.

Kabuuang 12 teams ang sumali, walo ang naiwan sa final round na sumabak sa single-round robin. Kampeon ang USA (7-0), puma­ngalawa ang Brazil (6-1) kasunod ang Pilipinas (5-2).

Nagdala sa bandera ng Pilipinas noon sina Caloy Loyzaga, Lauro Mumar, Francisco Rabat, Napoleon Flores, Mariano Tolentino, Benjamin Francisco, Rafael Barreto, Ponciano Saldana, Florentino Bautista, Bayani Amador, Ramon Manulat at Antonio Genato.

Nag-average si Loyzaga ng 16.4 points per game at nasama sa Mythical Five.