Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tanaw-balik sa 2020: Philhealth scam, suicide lumobo

0 86

Sa loob at labas man ng bansa, naging pokus ng buong mundo ang krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Pero sa Pilipinas, hindi lang ito ang kinaharap na isyung pangkalusugan dahil kahit may pandemya, ilan sa mga tinutukan ngayong taon ang muling binalikan ng Abante:

Nitong Hulyo naharap ang buong executive committee ng PhilHealth sa isyu ng P15 bilyong pandaraya gamit diumano ang iba’t ibang mga mapanlinlang na mga pamamaraan, kasabay ng ibang alegasyon na ang pondo ay kakapusin na sa 2022.

Tinawag ito ng nagbitiw na anti-fraud legal officer at whistleblower Thorrsson Montes Keith bilang isang crime of the year.

Dolomite sa Manila Bay

Umani ng magkahalong reaksyon ang paglalagay ng artipisyal na puting buhangin sa maliit na bahagi ng Manila Bay.

Kung marami ang natuwa, marami ring hindi nagustuhan ang paglatag ng dinurog na dolomite galing Cebu, sa 500 metrong bahagi ng baybayin. May ilang nangamba dahil sa posible umanong magdulot ng respiratory illness at iba pang health risk ang dolomite dust.

Naglabas naman ng pahayag ang Department of Health hinggil dito at sinabing ligtas ang dolomite sand sa Manila Bay dahil ang uri na nilagay dito ay mas malaki kumpara sa alikabok.

Pansamantalang tinigil ng Department of Environment and Natural Resources ang paglalagay ng dolomite sand sa baybayin dahil nagkaroon ng mga problema ang dalawang kompanya ng pagmimina, ang Dolomite Mining Corp. (DMC) at Philippine Mining Service Corp. (PMSC) na nasuspinde matapos umanong sirain ang mga coral sa tubig malapit sa lugar ng minahan.

COVID-19 bakuna

SM food to go Banner Ad

Ang World Health Organization (WHO) at mga katuwang nito, ay nagtutulungan na matugunan ang pangangailangan sa pandemya, lalo na ang pagbuo ng ligtas at mabisang bakuna kontra COVID-19.

Sa ngayon may ilang bansa na sa mundo, kabilang ang United Kingdom at United States, ang nag-apruba sa emergency use authorization ng COVID-19 vaccine ng Pfizer. Ginamit na ito sa mga nasabing bansa, ng mga senior citizen at health worker

Habang sa Pilipinas, binunyag ni Senador Panfilo Lacson ang diumano’y pagpapabaya ni Health Secretary Francisco Duque III na nagresulta sa pagpalpak sa deal sa Pfizer na magsu-supply sana ng bakuna sa Enero 2021. Tinanggi naman ito ng kalihim at dumipensang tuloy pa rin ang negosasyon sa kompanya.

ASF tinusta hog industry

Bukod sa pandemya, naapektuhan din ang hog industry dahil sa African Swine Flu (ASF), sa huling ulat umabot na sa tinatayang P56 bilyon ang nawala sa nasabing industriya, ayon sa Department of Agriculture.

Sa kabila ng mga ginawang pag-iingat, kumalat ang ASF sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Mahigit 400,000 umano ang pinataw na baboy, habang ang ibang mga farm ay nagbawas ng kanilang produksyon.

Nagpaabot naman ng tulong pinansyal ang DA sa mga nag-aalaga ng baboy upang makabangon sa pagkalugi.

Kalusugang mental ng mga Pinoy

Napaulat din ngayong taon ang pagtaas sa suicide rate o mga nagpapakatiwakal sa bansa.

Sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO) tumaas ang mga isyung may kinalaman sa mental health sa Pilipinas, simula noong magkaroon ng COVID-19 pandemic. Sa datos, tinatayang may 30 hanggang 35 na tawag kada araw ang natatanggap ng health authority simula Marso hanggang Mayo 2020 na kaugnay sa depresyon, kumpara sa 13 hanggang 15 tawag noong Mayo hanggang Pebrero 2020. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.