Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tanaw balik: Serye ng pagpaslang sa mga hukom, abogado

0 167

Iba’t ibang krimen pa rin ang kinaharap ng bansa, sa gitna ng pandemya sa nakalipas na taon. Kabilang dito ang mga pinatay na hukom at abogado:

Chief prosecutor tinodas sa Malate

Halos mawasak ang mukha ni Manila Chief Inquest Prosecutor Jovencio Senados nang tambangan ng suspek habanng sakay ng kotse sa Quirino Avenue, Malate, Maynila noong Hulyo 7.

Galing umano si Senados, 62, sa kanyang bahay sa Calamba City, Laguna at minamaneho naman ng kanyang pamangking si Feljie Bagares ang kotse.

Nakilala si Senados na nagpatupad ng polisiya para sa mga minor offender na hindi umano dapat na nagtatagal sa detensyon.

Manila judge binaril sa city hall

Nagwakas ang buhay ni Presiding Judge Ma. Theresa Abadilla, 44, ng Manila Regional Trial Court, Branch 45 nang pagbabarilin ng Clerk of Court na si Atty. Amador Rebato Jr., 42, sa loob mismo ng kanyang tanggapan sa ika-limang palapag sa gusali ng Manila City Hall noong Nobyembre 11.

Naisugod pa siya sa opsital pero binawian buhay dahil sat ama ng bala sa kanyang mukha. Habang nagbaril naman sa sentido si Rebato na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Nag-ugat ang pagpaslang sa hukom nang makipag-usap ito sa suspek dahil sa hindi umano paborableng performance ni Rebato sa kanyang trabaho matapos na magkasakit ng COVID-19.

Palawan lawyer tinodas habang papunta sa hearing

SM food to go Banner Ad

Pinagbabaril din hanggang mapatay si Atty. Eric Jay Magcamit habang papunta sa lanyang hearing sa munisipalidad ng Quezon, Palawan noong Nobyembre 17.

Sakay si Magcamit ng kanyang kotse nang parahin ng dalawang ‘di nakikilalang suspek at pagbaba sa kanyang sasakyan ay dito na pinagbabaril. Tinamaan siya ng dalawang bala, sa kanang pisngi at isa sa hita na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Sa imbestigasyon ng kaso, naaresto si Senior Master Sgt. Ariel Pareja, na bodyguard ng isa pang suspek na si Marcelino Quioyo, na may kaso naman kaugnay sa land dispute kung saan si Magcamit ang kumakatawan sa kabilang partido.

Dalawang abogado sa Cebu tinambangan

Patay rin sa pamamaril si Atty. Joey Luis Wee, 51, malapit sa kanyang opisina sa Barangay Kasambagan, Cebu City nitong Nobyembre 23.

Nahuli naman sa Laguna ang diumano’y gunman na si Fausto Edgar Peralta, isang security guard. Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) may kinalaman sa trabaho ni Wee ang motibo ng pagpaslang pero ang inaalam ay kung sino ang nag-utos para patayin ito.

Si Wee ang naging defense counsel ng Department of Public Works and Highways kaugnay sa overpriced na mga lamp post sa Cebu City na inilagay noong ASEAN Summit.

Nagmamaneho naman ng kanyang pick-up truck si Atty. Baby Maria Concepcion Landero-Ole nang pagbabarilin din ng ‘di nakikilalang salarin sa Danao City highway sa Cebu City, Disyembre 17.

Naisugod pa sa pagamutan ang abogada pero idineklarang dead on arrival.

Si Landero-Ole ang ikalawang abogado na pinaslang sa Cebu sa loob lamang ng isang buwan at ika-54 sa mga judge, lawyer, o prosecutor na napaslang sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.