Abante Tonite Interactive

Tanay chairman timbog sa armas, droga

By
1,499

Arestado ang isang kapitan ng barangay sa pagdadala ng matataas na kalibre ng baril at droga matapos ang isinagawang search and warrant ng pinagsanib na puwersa ng Rizal PNP Provincial Intelligence Branch, Provincial Drug Enforcement Unit kamakalawa ng umaga sa Barangay Daraitan, Tanay, Rizal.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Acting Provincial Director Sr. Supt. Lou Frias Evangelista, nakilala ang suspek na si Angelito Pranada y San Jose alyas ‘Bulilit’, 54-anyos, may asawa, brgy. captain ng Daraitan, Tanay, Rizal at residente ng Virallio St., Barangay Daraitan.

Ikinasa ang joint ope­ration para sa search warrant laban sa kilalang high value target na nasa No. 7 provincial level ng PDEA bandang alas-siyete Lunes ng umaga sa bahay ng suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang plastic sachet na naglala­man ng 150-200 gramo ng shabu na tinatayang nasa isang milyong piso ang halaga, isang hand grenade, dalawang 12 gauge shotgun ammunition, at isang cal. 45 magazine na may bala.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Rizal detention cell at inihahanda ang mga kasong paglabag sa illegal drugs at illegal possession of firearms and ammunitions.