Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tandem nirapido barangay hall sa Cavite

0 51

Nagmistulang firing range ang isang barangay hall sa Cavite City makaraang paulanan ng bala ng `di nakilalang mga suspek nitong Sabado nang madaling-araw.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office, dakong alas-kuwatro nang madaling-araw pinagbabaril ang opisina ng Barangay 45-A (Kaunlaran A) ng mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Sa salaysay ni Barangay Chairwoman Josephine Urubio, na nasa loob siya ng kanilang bahay nang marinig ang mga putok ng baril at nang puntahan niya ang pinagmulan ay nakakita ng anim na basyo ng bala ng kalibre .45 sa harapan ng barangay hall.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na niratrat ng mga suspek ang sliding door ng barangay hall.

Nakita rin sa CCTV footage na bago ang pamamaril ay nakita ang riding-in-tandem na aali-aligid sa barangay hall at nang makitang walang dumadaan na tao ay saka nagpaputok ng kanilang baril at mabilis na tumakas.

Blangko pa ang mga awtoridad kung ano ang motibo ng pamamaril sa barangay hall. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.