Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tandem pinasabog ulo ng tsuper

0 40

Patay ang isang tricycle driver matapos na barilin ng riding-in-tandem habang nakaupo ang biktima sa balkonahe ng kanyang tahanan sa Tanauan City, Batangas, Biyernes ng gabi.

Kinilala ng Tanauan City Police ang biktima na si Ricarte Mazo, 49-anyos, residente ng Barangay Boot.

Base sa ulat, bandang alas-8:30 ng gabi nang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa harap ng bahay ng biktima.

Bigla na lamang binaril ng backride ang biktima na tinamaan sa ulo na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mabilis ding tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Wala pang masabing motibo ang pulis at mga kaanak ng biktima sa nangyaring pamamaslang dahil wala naman umano itong kilalang kaaway.

Patuloy ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad para matukoy ang mga suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.