Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tandem tinarget sa ulo bulagta

0 44

Todas ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo nang pagbababrilin ng riding-in -tandem sa Binangonan, Rizal nitong Biyernes ng hapon.

Mga tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay nina Kzerdrick Saynes at Geovemar Caña habang nakatakas naman ang mga salarin sa krimen.

Sa ulat ng Binangonan Municipal Police Station, ika-4:30 ng hapon (July 16) nang maganap ang krimen sa Brgy. Darangan, sa Binangonan.

SM food to go Banner Ad

Magkaangkas umano ang mga biktima sa pulang motorsiklo at binabaybay ang Upper Kasinay sa Brgy. Darangan nang bigla na lang silang ratratin ng suspek na magkaangkas rin sa motorsiklo.

Sinasabing bumunot ng baril ang back rider at ilang ulit na pinagbabaril sa ulo ang mga biktima na agad na namatay.
Nang matiyak na napuruhan ang target ay mabilis nang tumakas.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad para sa ikareresolba ng kaso. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.