Abante Tonite Interactive

Tandem tumilapon sa tumawid na kambing

By
174

Nasawi ang isang rider habang sugatan ang angkas nito matapos ma-out-of-balance at tumilapon mula sa kanilang sinasakyang motorsiklo makaraang dumaan sa harap nila ang isang kambing sa Muntinlupa City kahapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Muntinlupa City Medical Center si Ferdinand Hernaez Argame, nasa hustong gulan, sanhi ng matin­ding pinsala sa ulo at katawan. Ang angkas naman nitong si Manuel­ Ramos ay patuloy pa ring ginagamot sa nabanggit na pagamutan nang magtamo ng mga sugat sa katawan.

Sa report kay Senior Supt. Gerry Umayao hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente dakong alas-8:15 nang umaga sa PNR Site, Rizal St., Muntinlupa.

Minamaneho ni Argame ang isang Rusi Motorcycle at angkas nito si Ramos nang big­lang tumawid ang isang kambing.
Hindi agad nakontrol ni Argame ang preno ng motorsiklo at sa bilis ng takbo ay tumilapon ang mga ito ng ilang metro.