Abante Tonite Interactive

Tanders umiskor kay Duterte

By
761

Marami ang nagulat at marami rin ang halos masuka nang personal na masaksihan ang paghalik ng isang matandang babaeng mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi kasi inakala ng maraming bisita sa Palasyo na gagawin ni ateng ang paghalik sa Presidente na tila ba lin­tang biglang sumulpot sa likuran at halikan siya sa kanang pisngi! Eww!

Pormal ang okasyon kaya naman walang nag-akalang gagawin ni madam ang paghalik sa Presidente.

Bagama’t normal ang beso-beso, mas malimit na kinakamayan lang ng Pangulo ang kanyang mga bi­sita kaya naman nagpista ang mga mata nang gawin ni madam ang paghalik sa kanang pisngi ng Presidente na tila ba gigil na gigil!

Buti na lang gentleman ang Pangulo kayat idinaan na lamang sa ngiti ang ginawa ni ateng na nakaiskor ng halik.

Bale ba halos magmantika ang mukha ni ateng dahil sa kapal ng foundation at kung tutuusin puwede ng mag-drawing hahaha!

Ang matandang mambabatas ay kilala sa alta-sosyedad  at minsan na ring na-link sa isang da­ting mataas na opisyal ng gobyerno.

Tinatawag siyang madam butterfly este madam A.B… as in Asin at Bagoong ng Pangasinan.