Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tanggal face shield guideline nasa IATF na

0 74

Inanunsiyo ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na posibleng ilabas ngayon o bukas ang binuong mga patakaran kaugnay sa inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggal face shield kapag nasa labas na.

“Kahapon o isang araw, may inaprubahan na kami na guidelines. So ilalabas na po `yon as soon as possible. Pinaaprubahan lang sa IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases,” ani Lopez.

Hinihintay na lamang aniya na aprubahan ng IATF ang mga binuong patakaran o panuntunan kaugnay sa pagtatanggal ng face shield at saka pa lamang ito ihahayag sa publiko.

“Kung hindi ngayon baka bukas mai-announce na `yong guidelines,” sabi pa ni Lopez.

Una nang inanunsiyo ni Pangulong Duterte sa kanyang `Talk to the People’ noong Miyerkoles ang pag-apruba na tanggalin ang face shield subalit kailangan pa rin magsuot nito kapag nasa mga closed, crowded at close contact na lugar. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.